UMABOT ng 200 hanggang 350 pesos ang bawat kilo ng kamatis hanggang nitong January 4, 2025 ayon sa Department of Agriculture.
Sobrang mataas ito kumpara sa 40 haggang 100 pesos sa kaparehong panahon noong 2023.
Sinabi ng DA, rason dito ang mababang suplay dahil sa sunod-sunod na bagyong nanalasa sa bansa noong nakaraang taon.
Ngayong Pebrero ay sinabi naman ng DA na posibleng bababa na ang presyo nito dahil magsisimula na ang dry season production.