NAGKAROON ng pagtaas sa presyo ng bigas at cooking oil sa unang mga araw ng Abril 2024.
Ayon ito sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Mula sa P51.21 at P51.14 sa mga nakalipas na buwan, nasa P51.39 na ang presyo ng isang kilo ng regular-milled rice mula Abril 1 hanggang 5.
Ang cooking oil, mula sa P154. 75 at P154.96, nasa P156.78 per liter na ito ngayong Abril.
Ang fresh pork kasim ay nasa P336.42 per kilogram na mula sa P333.64 at P331.80 noong nakalipas na buwan.