BAHAGYANG tumaas ang presyo ng well milled rice sa unang bahagi ng taong 2024 ayon sa naging monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Mula sa P54.34 noong Disyembre tumaas ang kada kilo ng well milled rice sa ₱55.50 sa national level.
Makikitang malayo pa ang kasalukuyang presyo ng bigas sa merkado sa pangakong 20 pesos na presyo ng bigas ng administrasyon.