Presyo ng Christmas tree sa Amerika, tataas ng 15% dahil sa inflation

Presyo ng Christmas tree sa Amerika, tataas ng 15% dahil sa inflation

TATAAS ng 15% dahil sa inflation ang presyo ng Christmas tree sa Amerika.

Ang pagkakaroon ng tunay o artipisyal na Christmas tree ay isang tradisyon sa panahon ng Kapaskuhan sa karamihan ng mga pamilya sa US.

Sa Amerika, mas marami ang tumatangkilik ng totoong Christmas tree.

Sa isang survey na inilabas ng Real Christmas Tree Board noong Setyembre, malaking mayorya ng mga negosyo na nagbebenta ng wholesale Christmas tree ay may planong magtaas ng presyo mula 5-15%.

Resulta raw ito ng mataas na inflation na nagdudulot ng pagtaas ng gasolina, mga pataba at labor na nakakaapekto sa pagtaas ng presyo ng mga puno.

Gayunpaman, ayon sa National Christmas Tree Association, hindi nito maaapektuhan ang inaasahan nilang benta.

Sa Nashville Tennessee, sinabi ng mga magsasaka na mas nahirapan sila na magtanim pa ng mga puno noong tag-araw.

Ang kakulangan sa supply kaakibat ng inflation ay ang dahilan ng mas mahal na presyo ng mga puno.

Tinatantya nila ang halaga ng mga puno na tataas ng humigit-kumulang 10%.

Ngunit gayunpaman ang mga pamilya na nais panatilihin ang paglagay ng kanilang mga dekorasyon ngayong Pasko ay patuloy na gagawin ito sa ngalan ng tradisyon at kasiyahan na para sa kanila, ay hindi kailanman mabibili ng anumang halaga.

Sinasabi rin ng mga magsasaka na nakakatulong ito sa kapaligiran sapagkat pinapalitan ang bawat pinuputol na puno ng dalawa o higit pang panibagong puno upang mas yumabong ang kalikasan.

Follow SMNI NEWS in Twitter