MATAAS pa rin ang presyo ng galunggong sa ilang palengke na namonitor ng Department of Agriculture (DA).
Ito’y kahit aprubado na ang pag-aangkat ng isda kung saan ang pangunahing layunin ay para maging ‘stable’ ang presyo nito.
Sa pag-iikot ng ahensiya, nasa P300 ang presyo kada kilo ng galunggong habang nasa P260 ang imported.
Matatandaan na noong Abril ay may nauna nang inangkat ang Pilipinas na 30K metric tons na mga galunggong at iba pang uri ng isda.
Kamakailan naman ay inaprubahan na rin ang karagdagang pag-aangkat ng 8K metric tons.