NANANATILING mataas ang presyo ng galunggong kahit na pinapahintulutan ang pag-aangkat ng 30K metric tons nito ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).
Sa pahayag ni SINAG Chairman Rosendo So, mahigit P200 per kilo pa rin ang presyo ng naturang isda sa mga pamilihan.
Maliban pa sa 30K metric tons ay pinahintulutan na rin ang pag-angkat ng karagdagang 8.2K metric tons (8,280 MT) ng galunggong.
Inaasahang mailababas ang sanitary at phytosanitary import clearance para sa karagdagang import volume sa Disyembre 16 at maaaring darating na ang mga inangkat sa Enero 2025.