Presyo ng gulay at karne sa merkado, nagtaas ngayong Enero

PATULOY na nagtataas ang presyo ng mga gulay at karne sa merkado ayon sa Department of Agriculture (DA).

Base sa ipinakitang datos ng DA, nakita na tumaas ng hanggang 66 porsyento ang presyo ng gulay at karne simula pa noong nakaraang buwan ng Disyembre, dahil sa kakapusan ng suplay ng pagkain sa bansa dahil sa ilang dahilan.

Ang ilan sa tinitignang dahilan ng DA ay ang nagpapatuloy na lean season para sa mga gulay, ang kumokunting bilang ng hog raisers dahil sa nagpapatuloy na African swine fever at pati na ang bilang ng poultry raisers na hindi na nagpatuloy dahil sa pag bagsak ng presyo dulot na rin ng lockdown.

Ayon naman kay DA Assistant Secretary for Agribusiness Kristine Evangelista, maaaring hindi pa bumaba ang presyo ng mga bilihin hanggang Marso kung saan inaasahang magu-umpisa ang harvest season.

Upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, tinitingnan ng DA ang pagkuha ng food supplies mula sa Visayas at Mindanao upang matustusan ang kakulangan ng suplay sa Metro Manila.

SMNI NEWS