TUMAAS ang retail price ng mga gulay ng hanggang 20 piso kada kilo sa kalagitnaan ng ulan na naranasan sa maraming bahagi ng bansa noong nakalipas na linggo.
Base sa Department of Agriculture (DA), ang pinakamataas na retail price ng repolyo at carrots sa mga palengke sa Metro Manila ay umabot sa 120 piso kada kilo kumpara sa 100 piso kada kilo nitong retail price noong Hunyo 9.
Tumaas din ng P7 ang presyo ng sayote na kasalukuyang nasa P87 kada kilo mula 80 piso noong nakaraang linggo.
Kinumpirma naman ni Samahang Industrya ng Agrikultura (SINAG) President Rodendo So na mayroong pagtaas ng presyo sa mga gulay na nanggagaling sa Benguet.
Sinabi naman ni So na inaasahan nilang bababa ang presyo ng gulay ngayong linggo dahil sa inanunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na walang inaasahang bagyo sa susunod na linggo.