NAKITAAN ng pagtaas sa presyo nitong Semana Santa ang isda at iba pang seafood sa mga pamilihan ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa tala, nasa P160-P220 mula noong Abril 5 ang bawat kilo ng bangus; P110-P160 ang bawat kilo ng tilapia; P180- P280 ang galunggong; at P280-P360 ang alumahan.
May pagtaas din sa presyo ng iba’t ibang uri ng karne, itlog, gulay at bigas.
Sa ngayon, sinabi ng DA na patuloy ang kanilang pagmomonitor sa presyo ng ilang mga pagkain.
Tiniyak naman ng DA na sa kabila ng bahagyang pagtaas ay babalik din ito sa normal pagkatapos ng Semana Santa.