Presyo ng internet, inaasahang bababa dahil sa submarine cable ng Facebook –DICT

Presyo ng internet, inaasahang bababa dahil sa submarine cable ng Facebook –DICT

NAKIKITA ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na magkakaroon ng murang internet sa bansa sa pagsapit ng taong 2024.

Ito ang iginiit ng ahensya sa pagharap nila sa Kamara para sa plenary proceedings ng kanilang 2023 proposed national budget.

Ayon sa DICT, bababa ang presyo ng internet dahil sa submarine cable na prinovide nang libre ng social media giant na Facebook.

Giit naman ni House Senior Deputy Minority Leader Paul Daza na kung operational na ang submarine cable mababawasan ng P33 per mbps ang presyuhan ng internet.

Matatapos ang rollout ng libreng internet cable mula Laoag-Quezon City sa pagtatapos ng 2023.

Sunod na matatapos ang paglalatag sa Quezon City-Sorsogon-Samar sa 2024 pati na ang sa Zamboanga, Pagadian, Cagayan de Oro, Davao City, Koronadal, Butuan, Cotabato City at Marawi.

Follow SMNI NEWS in Twitter