TUMAAS ang presyo ng itlog sa palengke. Sa Agora Public Market sa San Juan City, P7.75 ang pinakamababang presyo ng itlog, habang P10 ang presyo ng jumbo size.
Ipinaliwanag ng Philippine Egg Board Association na nagkakaroon ng deficit sa supply ng itlog kung kaya’t nagmamahal ang presyo nito.
“Ini-expect natin na dahan-dahan, paunti-unti pa itong tataas towards December. Ang dahilan nito ay ang pagbabawas ng mga alagang manok ng ating mga kasamahan sa farm operations. Because ‘yung mga nalugi na months nitong April at May, ‘yung summer season — marami kasi ang nalugi. So ang kanilang adaptation is, magbawas din ng expenses sa pagbabawas ng kanilang population,” ani Francis Uyehara, presidente ng Philippine Egg Board Association.