NASA P200 na ang presyo ng kamatis sa ilang pamilihan sa Metro Manila ngayon.
Kung ikukumpara sa presyuhan noong Oktubre 12, 2024, nasa P50 hanggang P120 ang bawat kilo ng mga ito.
Sa price monitoring pa ng Department of Agriculture (DA) noong Oktubre 18, ang pinakamura na kamatis ay nagkakahalaga na ng P110.
Sa paliwanag naman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), normal lang din na tumaas anila ang presyo ng kamatis kung tag-ulan.