Presyo ng LPG, posibleng tumaas sa susunod na buwan – DOE

Presyo ng LPG, posibleng tumaas sa susunod na buwan – DOE

POSIBLENG umabot pa sa 1,300 ang presyo ng 11 kilos na tangke ng liquefied petroleum gas (LPG).

Ito ay kung tataas pa sa $140 kada barrel ang presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Ayon sa Department of Energy (DOE) kapag nangyari ito ay posibleng madagdagan ng higit 100 ang presyo ng tangke kada kilo.

Sa ngayon ay nasa P880.45 hanggang P1,140 ang halaga ng 11-kilogram na tangke ng LPG.

Maliban sa LPG, nitong Martes din nang madagdagan ng higit P13 pesos ang presyo ng diesel at halos mag-ootso pesos na rin ang taas sa premium.

Nauna nang inirireklamo ng maraming tsuper hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina gayong kulang ang kanilang kita.

Kahapon, nagsimula nang mamahagi ng ayuda ang pamahalaan sa mga lubos na apektado ng mataas na presyo ng gasolina.

Samantala, inaasahan ding tataas hanggang P86.72 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P81.10 sa diesel, at P80.50 sa kerosene.

Tiniyak naman ng DOE na sapat ang supply ng produktong petrolyo sa bansa at ang presyo nito ang may problema sa world market.

BASAHIN: LPG, maaaring tumaas ang presyo sa 1,300 piso ayon sa DOE

Follow SMNI News on Twitter