POSIBLENG may hoarding ng luya na nangyayari kung kaya’t tumaas ang presyo nito ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).
Sa monitoring mismo ng Department of Agriculture (DA), umabot na ng P220 hanggang 350 pesos per kilo ang presyo ng luya.
Ang retail price sana dito ay nasa P100 per kilo lang.
Ngayon, hinikayat ng SINAG ang DA na suriin ang mga cold storage facility para nga sa posibilidad ng hoarding.
Samantala, ibinahagi ng DA na may dumating na 4,248 metric tons na imported luya mula China kamakailan.