Presyo ng mga bulaklak patuloy na tumataas sa Dangwa

BAHAGYANG tumaas ang  presyo ng ilang mga bulaklak  sa Dangwa Flower Market sa Sampaloc, Manila ngayong papalapit na ang Araw ng mga Puso.

Ang rosas na nabibili ng P150 kada dosena sa ordinaryong araw, ngayon nasa P1000 na.

Tumaas rin ang ibang presyo ng mga bulaklak.

PRESYO NG BULAKLAK

 

Sa mga naghahanap ng mga kakaiba pero sweet na styles na mga bouquet ay marami kayong makikita sa Dangwa.

Bentang benta ang mga rosas na may kakaibang twist katulad ng mabibili ang mga ito sa halagang P300 hanggang P500.

Ayon sa mga nagtitinda ay posible pang tumaas bukas at sa araw ng mga puso ang mga presyo ng mga bulaklak.

Umaasa naman sila na simula ngayong araw hanggang sa Pebrero 14 ay gaganda ang takbo ng bentahan ng bulaklak.

Samantala, malakas ang bentahan ng bulaklak ngayon sa online dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito ay dahil may mga tao na natatakot lumabas. Mas pinipili na lang nila na mag-order online at ipadeliver sa kanilang mga minamahal para iwas COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.