Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa, tumaas na

Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa, tumaas na

DAGSA na ng mga mamimili sa Dangwa Flower Market sa Maynila isang araw bago ang Valentine’s Day.

Sikat ang lugar sa mga iba’t ibang klase ng bulaklak.

Pero ngayong papalapit na ang Araw ng mga Puso, hindi lang tao ang nagmamahal.

Pati rin ang presyo ng ilang bulalak ay nagmahal na rin.

Ang Ecuadorian Rose, nasa P180 ang kada piraso o P3,750 naman kada bundle o may 25 piraso.

Nasa P350 ang kada 10 piraso ng carnation.

Ang kada piraso naman ng tulip, nasa P100 hanggang P120.

Sa halagang P100, makakabili ka na ng kada piraso ng sunflower.

Ang presyuhan naman ng kada bundle ng local rose ay nasa P900-P1,200.

Kung ikaw ay nagtitipid, may mga flower arrangement na magandang panregalo sa halagang P300-P2,500.

Kaniya-kaniya na ring gimik ang mga nagtitinda ng bulaklak sa Dangwa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble