MANANATILING stable ang mga presyo ng mga gamot sa bansa sa gitna ng nagtataasang mga presyo ng ilang basic commodities sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).
Samantala, sinabi ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire, may ilang mga gamot na bahagyang tumaas kagaya na lamang sa gamot ng hypertension.
Ayon kay Vergeire, na ang stable na presyo ng mga gamot sa bansa ay dahil sa pagpapatupad sa maximum drug retail price (MDRP).
Batay sa website ng DOH, mayroon ngayong mahigit 204 na mga gamot na nasa ilalim sa listahan ng MDRP, kabilang na dito ang para sa asthma, hypertension, high cholesterol, diabetes, chronic obstructive pulmonary disease, lung cancer, colorectal cancer, breast cancer, at iba pa.
Dahil sa implementasyon ng MDRP, ang mga gamot para sa pangunahing mga sakit ay nabawasan ang naturang presyo ng hanggang 93%.