Presyo ng mga gulay sa Metro Manila, tumaas

Presyo ng mga gulay sa Metro Manila, tumaas

TUMAAS sa P10 hanggang P40 kada kilo ang presyo ng gulay sa mga pamilihan sa Metro Manila kasunod ng pananalasa ng Bagyong Paeng sa bansa.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesman Kristine Evangelista, naapektuhan ang paghahatid ng mga farm products sa merkado dahil sa mga nasirang kalsada dulot ng Bagyong Paeng.

Dagdag pa ni Evangelista kung babalik na sa normal ang trading post sa mga gulay bababa rin ang presyo ng mga ito.

Inaasahan ng ahensya mula sa P30-P40 kada kilo bababa ang presyo ng gulay sa P10-P20 per kilo kung babalik na sa normal ang mga apektadong lugar sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter