Presyo ng petrolyo tataas simula bukas

Presyo ng petrolyo tataas simula bukas

BUKAS, araw ng Martes, Marso 25, magpapatupad ng taas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis.

Nag-abiso ang Shell Pilipinas, Seaoil, at Caltex na tataas ng ₱10.10 kada litro ang presyo ng gasolina, habang ₱0.40 naman ang dagdag sa diesel at kerosene.

May kaparehong taas-presyo naman sa gasolina at diesel ang Cleanfuel at iba pang kompanya ng langis.

Epektibo naman ang naturang price adjustment bukas ng 6 P.M. maliban sa Cleanfuel na 4:01 P.M.

Ito ang unang taas-presyo sa petrolyo matapos ang tatlong sunod na linggong bawas-presyo nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble