AASAHANG aabot ng P380 – P400 per kilo ang presyo ng pork products lalong-lalo na ang pork belly.
Ayon kay Pork Producers Federation of the Philippines, ito’y dahil tataas din ang magiging demand nito ngayong holiday season.
Sa ngayon ay marami pa naman anilang suplay ng baboy dahil bumaba ang demand dulot ng African Swine Fever (ASF) outbreak.
Sa monitoring din ng Department of Agriculture (DA) ay nasa P260 – P370 per kilo pa ang retail price ng pork shoulder habang P310 – P400 per kilo ang pork belly.