Presyo ng produktong petrolyo, posibleng bababa sa susunod na mga linggo– DOE

Presyo ng produktong petrolyo, posibleng bababa sa susunod na mga linggo– DOE

INAASAHANG bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo ng ilang mga oil companies ayon sa Department of Energy (DOE).

Nitong Martes ng Mayo 10, magpatupad ng panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Kaya’t marami sa mga motorista ang umaasa na masusundan ito ng rollback.

At nitong Huwebes, inihayag ni DOE Undersecretary Gerardo Erguiza na posibleng magkaroon muli ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Pero paglilinaw nito ito ay kung bababa rin ang presyo ng langis sa world market.

“Kagaya ng sinabi ko po, dependent po tayo diyan sa world market price at mayroon iyang indicator everyday. Pumalo ho iyan, tumaas previously,” pahayag ni Erguiza.

Matatandaang noong Martes ay tumaas sa P4.50 per liter ang itinaas sa presyo ng gasolina, P4 naman sa kada litro ng diesel at P4.90 sa kada litro ng kerosene.

At mula Enero 1Mayo 12, umabot sa P34.50 ang kabuuang taas-presyo sa kada litro ng diesel, P22 sa gasolina, at P29.75 sa kerosene.

Dahil dito, inaasahan ni Usec. Erguiza na bababa ang presyo sa susunod na mga linggo.

“So, hopefully po kapag bumababa itong Thursday and Friday, kapag ia-average mo ito ay mas mababa sa previous week, then mostly likely bababa. But that would depend on the trend that is happening right now. But if you will follow the trend, mukhang may bahagyang pagbaba po,” ayon kay Erguiza.

Sa panayam ng SMNI News sa ibang motorista, panawagan nila na magkakaroon ng bigtime oil price rollback sa presyo ng produktong petrolyo upang maibsan ang matinding impact sa serye ng oil price hike sa bansa.

Follow SMNI News on Twitter