TUMATAAS ang presyo ng sibuyas ngayon sa mga pamilihan sa Metro Manila ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa kanilang monitoring, naglalaro sa P170 hanggang P180 ang bawat kilo ng sibuyas kumpara sa P140 noong nakalipas na linggo.
Ito na ayon kay DA Asec. at Spokesperson Arnel de Mesa ang dahilan kung bakit napagdesisyunan nilang payagan ang pag-aangkat ng sibuyas.
Sa pahayag naman ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) kaugnay rito, naniniwala silang hindi makakaapekto sa mga lokal na magsasaka ang pag-aangkat dahil nasa 3K metriko tonelada lang ng pulang sibuyas at 1K metriko tonelada ng puting sibuyas ang aangkatin.