Presyo ng sibuyas, posibleng bumaba sa P100 kada kilo sa oras maaprubahan ang 22-K MT ng imported sibuyas

Presyo ng sibuyas, posibleng bumaba sa P100 kada kilo sa oras maaprubahan ang 22-K MT ng imported sibuyas

INIHAYAG ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Rex Estoperez na posibleng mas bumaba pa sa P150 o P100 kada kilo ang presyo ng sibuyas.

Ito ay sa oras maaprubahan ang inirekomendang pag-aangkat ng 22,000 metriko toneladang sibuyas ng DA.

Aminado ang ahensya na hindi talaga kakayaning ibenta ng P250 kada kilo ang sibuyas sa mga pangunahing pamilihan.

Aniya, naglalaro sa P300-P400 kada kilo ang farm gate price sa mga probinsya na pinagkukuhanan nito.

Kung kaya’t, upang mapigilan pa ang paglobo ng presyo ng sibuyas sa mga palengke, minabuti ng ahensya na irekomenda na ang pag-aangkat ng sibuyas.

Sa pagtataya ng DA, sasapat ang 22,000 metric tons ng sibuyas para sa buwan lamang ng Pebrero.

 

Follow SMNI News on Twitter