Price ceiling ng karneng baboy at manok, mananatili hanggang Abril 8

IPINAHAYAG ni Agriculture Secretary William Dar na mananatili ang price ceiling ng karneng manok at baboy hanggang sa Abril 8, 2021.

Aniya, nakapagbigay ito ng kontribusyon upang masupil ang pagtaas ng presyo ng nasabing mga karne.

Nakapagbenepisyo aniya ang price ceiling ng mga karne sa milyong mga konsyumer partikular na sa Metro Manila.

“We will maintain it in the remaining days until April 8, as prescribed under EO 124,”ayon kay Sec. Dar.

“Lifting it will undeniably result in dramatic rise in prices of pork and chicken, given that the African Swine Fever (ASF) crisis is still raging and thus continues to impact on local production of hogs nationwide,” aniya pa.

“That is why we need to augment the current shortfall, estimated at 400,000 metric tons this year, from ASF-free countries,”dagdag ng kalihim.

Aniya, isang mabisang paraan ang price ceiling ng mga karne upang masawata ang walang pakundangang mga aktibidad sa pagnenegosyo bagama’t hindi matitiyak ang buong pagtalima ng mga negosyante rito.

“By maintaining it, the government will send a strong signal to Filipino consumers — who suffer from lower incomes due to the adverse impact of the COVID-19 pandemic on our economy — that it does care about their welfare,” ayon kay Dar.

“Hog producers, wholesalers, and retailers are no less expected to do their share in helping the country’s economic recovery effort,”dagdag ng kalihim.

Sa huling tala ng DA Field Operations Service (FOS), umabot sa kabuuang 127,868 buhay na baboy at 823,673 kilo ng patay na baboy ang naihatid sa Metro Manila mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa mula Pebrero 8 hanggang Marso 7.

Ito ay may average na 4,567 buhay at 28,417 patay na baboy kada araw na lampas sa daily requirement ng Metro Manila na 4,000 baboy.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.