Price ceiling para sa karneng baboy at manok, ipatutupad sa susunod na linggo

KINUMPIRMA ni Agriculture Secretary William Dar na magsisimula na sa susundo na linggo ang pagpapataw ng ceiling sa presyo ng karneng baboy at manok.

Sa pagdinig sa kamara ngayong araw, sinabi ni Dar na sa February 8 ay magiging epektibo na ang Executive Order 124 para makontrol presyo ng nasabing mga bilihin.

Subalit, ang price ceiling pala ay para lamang sa public markets at epektibo ito sa loob ng dalawang buwan.

Hindi rin nationwide ang pagpapatupad nito dahil para lamang sa Metro Manila ang price ceiling.

Tinukoy naman ng DA na ang kakulangan sa suplay at mahal na presyo ng karneng baboy, natural disasters, COVID-19 pandemic, ASF outbreak at sunud-sunod na bagyo ang mga dahilan kung bakit mataas ang presyo ng mga ito.

Maging ang economic performance ng bansa kung saan sumadsad sa 9.5% ang GDP ay nakaapekto rin sa mahal na presyo ng pagkain.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.