Price control, numero unong kalaban ng farm productivity—Agri group

Price control, numero unong kalaban ng farm productivity—Agri group

NUMERO unong kalaban ng farm productivity ang price control ayon kay Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) President Danilo Fausto sa panayam ng SMNI News hinggil sa pagpapatupad ng price ceiling sa bigas.

Dahil dito, ayon kay Fausto, dapat hindi gawing pangmatagalan ang hakbang na ito at sana’y hindi na lalagpas ng isa o dalawang buwan ang pagpapatupad ng price ceiling.

Nauna namang pinawi ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pangamba na ito ng stakeholders lalo pa’t malapit nang magkakaroon ng anihan ng palay ngayong buwan.

Maliban pa rito ay determinado na ang pamahalaan sa pagtugis sa hoarders at price manipulators.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble