IPINAPATUPAD ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price freeze sa Biliran Province.
Ito’y upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto dulot ng limitadong kapasidad ng Biliran Bridge sa kasalukuyan.
Kamakailan ay nagkaroon ng structural issues ang nabanggit na tulay kung kaya’t naging limitado ang paggalaw ng mga produkto at public travel.
Sa katunayan, noon pang Disyembre 28, 2024 nang isailalim sa state of calamity ang Biliran ngunit Disyembre 27 nang sinimulan ang repair dito.
Sa ipinatupad na price freeze, saklaw rito ang de-latang isda, processed milk, kape, sabon panlaba, tinapay, at asin.