Price freeze sa mga pangunahing bilihin patuloy na imomonitor

PATULOY na ipinapa-monitor sa Department of Trade and Industry (DTI) ang ipinatutupad na price freeze sa mga pangunahing bilihin.

Kasunod ito sa pagdeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa state of calamity ang buong Pilipinas dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 sa bansa.

Sinabi ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, kailangan nating magtulungan at hindi nito papayagan na may manlamang at mananamantala sa gitna ng nararanasan nating krisis.

Sinabi pa ng IATF na kakasuhan ang mga lalabag sa ipinatutupad na Price Act.

Samantala, gumawa na ng special lanes para sa mga cargo at delivery truck na magdadala ng suplay na pagkain, medical suplay at agricultural products sa papasok at lalabas ng Metro Manila.

Ito ay upang hindi maabala at mapabilis ang pag-transport sa mga pangunahing pangangailangan sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa COVID-19.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, ang special lane ay ipinapatupad na NLEX at SLEX at maging sa iba pang major arteries papasok ng Metro Manila.

Nag-improve na rin aniya ang sitwasyon sa mga checkpoint dahil mas kaunti na lamang ang mga tao sa kalsada at nabawasan na rin ang mga pribadong sasakyan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.