Price guide para sa school supplies, inilabas na ng DTI

Price guide para sa school supplies, inilabas na ng DTI

Inilabas na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price guide para sa ilang school supplies ngayong malapit nang magsimula ang Academic Year 2024-2025.

Para sa mga notebook, ang presyo ay nasa pagitan ng 11.80 hanggang 52 pesos.

Nasa 9.50 hanggang 61 pesos naman ang presyo ng grade 1 hanggang grade 4 na pad paper habang ang intermediate pad paper ay nasa 13.80 hanggang 48.75 pesos.

Ang mga lapis ay nasa 11 hanggang 33 pesos habang ang mga ballpen ay naglalaro sa 3 hanggang 33 pesos ang presyo.

Sa crayons, nagsisimula sa 12 hanggang 65 pesos ang presyo nito.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang website ng DTI.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble