Price monitoring, isinagawa ng DTI sa ilang supermarkets sa Makati

Price monitoring, isinagawa ng DTI sa ilang supermarkets sa Makati

NAG-IKOT ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pangunguna ni Undersecretary Ruth Castelo sa ilang supermarket sa Makati City.

Ito ay upang magsagawa ng monitoring para matiyak na nasusunod o pasok sa itinakdang Suggested Retail Price (SRP) ng ahensya ang presyo ng iba’t ibang produkto.

Kasunod ito ng mga ulat na nagtaasan na ang presyo ng basic at prime commodities.

Nilinaw ng DTI na wala pa silang pinahihintulutan na dagdag-presyo sa alinmang basic goods na may SRP.

Sa pag-iikot ng DTI, isang supermarket sa Makati ang pinagpapaliwanag dahil sa kabiguan na maglagay ng price tag.