NAKIPAGPULONG si Prime Minister Datuk Seri Anwar Ibrahim Kay H.E Bilal Erdogan na anak ni Turkish Pres. Recep Tayyip Erdogan nitong Martes, Disyembre 6.
Sa kanyang Facebook page, sinabi ng punong ministro na ang pagpupulong ay ginanap sa Yunus Emre Cultural Institute, Kuala Lumpur.
Si Bilal ay isang negosyante at pangalawang anak ng Turkish President.
Umaasa si Prime Minister Anwar Ibrahim na patuloy na lalakas ang bilateral relation sa pagitan ng Malaysia at Turkey.
Matatandaang nagkaroon ng pag-uusap sa telepono ang Malaysia Prime Minister at ang Turkish President, matapos maitalaga ang una bilang ika-10 punong ministro ng bansa.
Sa panahon ng kanilang pag-uusap ay sinabi ni PM Anwar Ibrahim na umaasa ito na mas palakasin ang ugnayan at kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng kalakalan, negosyo, kultura, edukasyon at militar.