PM Hun Sen, nakatakdang tumanggap ng AstraZeneca vaccine sa Marso 4

Magpapabakuna ng AstraZeneca vaccine si Prime Minister Hun Sen ng bansang Cambodia.

Nakatakdang tumanggap ng AstraZeneca vaccine si Prime Minister Hun Sen sa darating na Marso 4. Ito ay kasunod ng ulat na nakatakdang dumating bukas ang pagkarga ng AstraZeneca vaccine sa bansang Cambodia.

Ang 324,000 dosis ng AstraZeneca vaccine ay mula sa Serum Institute of India na kilala naman bilang Covishield.

Ang desisyon naman umano ng Prime Minister na magpabakuna ng AstraZeneca ay upang magkaroon ng tiwala ang publiko sa bakuna at makiisa sa inoculation program ng pamahalaan.

Samantala, dadalo ang Minister of Health na si Mam Bunheng at World Health Organization representative to Cambodia na si Dr. Li Ailan sa turnover ceremeony ng nasabing bakuna.

Ang AstraZeneca vaccine na ito ay natanggap ng bansa sa pamamagitan ng Covax facility na isang Global Vaccine Alliance na naglalayon ng pantay na access sa COVID-19 vaccine sa lahat ng bansa.

SMNI NEWS