Prime Minister ng Australia, natalo sa huling election debate

Prime Minister ng Australia, natalo sa huling election debate

MULING natalo ng kanyang kalaban sa debate si Australian Prime Minister Scott Morrison matapos magharap ang mga ito sa ikatlo at huling round ng Australian election debate, kalahati ng undecided voters ay pumanig sa opposition leader na si Anthony Albanese.

Sa debate ay inilahad ng mga susunod na punong ministro ang pagpili sa posibleng idulot ng pagbabago at ang benepisyo nito sa hinaharap.

Sa face off ay nagsagutan ang mga lider base sa kanilang pananaw ukol sa pagtaas ng sahod, economic management at energy policy.

Sa huli, aabot naman sa 150 undecided voters na katumbas sa 50 porsyento ang pumanig kay Albanese na naging panalo sa huling debate.

Samantala, 34 porsyento lamang ng mga boto ang nakuha ni Morrison habang 16 porsyento ang nanatiling undecided.

Matapos ang face off ng mga kandidato, nagtapos ang debate sa isang mas magaan na usapan kung saan tinanong ang magkatunggali kung ano ang kanilang gustong ugali ng kanilang kalaban.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter