INIHAYAG ni Prime Minister Datuk Seri Ismail Sabri Yaakob na ipagtatanggol ng Malaysia ang mga karapatan nito laban sa paghahabol sa korte ng mga tagapagpamana ng Sulu Sultanate.
Ayon pa sa Punong Ministro, ipagtatanggol at poprotektahan ng bansa ang karapatan nito sa pamamagitan ng legal na paraan.
Ang ilang dekada na kontrobersya ay muling nahayag sa unang bahagi ng taong ito nang bigyan ng European Arbitration Court ang mga sinasabing tagapagmana ng Sulu ng US$14.9 bilyon para sa umano’y paglabag sa isang kasunduan sa Sabah na nilagdaan sa isang British trading company noong 1878.
Pinasimulan ang arbitrasyon ng mga tagapagmana at mga kahalili ni Sultan Jamalul Kiram II noong 2017, dahil sa hindi umano pagbabayad ng gobyerno dito sa Malaysia ng halagang napagkasunduan ng mga ito.
Samantala, nitong Huwebes, Hulyo 21 ay nagsagawa ng closed door meeting ang mga miyembro ng Gabinete sa isyu ng mga nagpapakilalang tagapagpamana ng Sultanate ng Sulu.
Kasama rin sa inimbitahan ng gobyerno ay ang ilang mambabatas sa bansa.