Prince Charles, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO na rin sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) si Prince Charles ng Britanya sa London.

Ayon sa opisyal na pahayag ng royal family, “He has been displaying mild symptoms but otherwise remains in good health and has been working from home throughout the last few days as usual.”

Dagdag pa ng Clarence House, hindi na kailangan na dalhin pa sa ospital ang 71 anyos na si Prince Charles dahil may mild symptoms lang naman ito.

Kasalukuyang naka self-isolate ang Prince of Wales sa kanyang Scottish Home kasama ang kanyang asawang si Camilla, Duchess of Cornwall na nagnegatibo naman sa coronavirus.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.