Prinsipyo ni FPRRD sa buhay at politika, hinahangaan ni Pastor ACQ

Prinsipyo ni FPRRD sa buhay at politika, hinahangaan ni Pastor ACQ

SA programang Spotlight, inihayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang suporta sa pananaw ni dating Pangulong Roa Rodrigo Duterte ukol sa prinsipyo sa panunungkulan sa gobyerno.

Kasunod ng programang Gikan sa Masa Para sa Masa noong Lunes ay nag-post sa Facebook ang dating Pangulo at nakasaad nga dito,

“Ang importante kasi ‘yung prinsipyo. Kung may prinsipyo ka, magkakaintindihan talaga tayo. Ngayon, kung wala kang prinsipyo sa buhay at basta papayag ka lang just because of pakikisama even if you’re doing the wrong thing…do not expect me to clap my hands every time you make a stupid thing there,” pahayag ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Katapatan sa paghawak ng pera ng taumbayan, dapat prinsipyo ng bawat lingkod-bayan—Pastor ACQ

Ani Pastor Apollo, sa public service, malinaw na kung prinsipyo ang pinag-uusapan iyon ay may kaugnayan sa pera, kung paano pinamamahalaan ng mga nasa kapangyarihan ang pera ng taumbayan.

Kamakailan nga ay naging matunog ang isyu ng pagbubukas ng book of accounts ng Kamara kasunod ng panawagan ni dating Pangulong Duterte na gawing transparent ito sa publiko kasunod ng pahayag na isa sa most rotten institution ng gobyerno ay ang Kamara.

“Pagka prinsipyo ang pinag-uusapan sa public service, ang pinag-uusapan diyan ay pera—we are the same in that instant there,” saad ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

“Public service, pera iyan e—stick to the issue ‘yun lang,” ayon pa kay Pastor Apollo.

Malinaw aniya na kung pera ang pinag-uusapan ay kalakip ang salitang transparent lalo na kung ito ay pag-aari ng publiko o isang organisasyon.

“Ako pag pera ang pinag-uusapan—-kundi sa organisasyong iyong kinapapalooban—-doon dapat ilagay iyan,” ani Pastor Apollo.

Ayon pa kay Pastor Apollo, kaya umunlad ang bansang Singapore ay naging matalino si Lee Kuan Yew, dating prime minister ng bansa, sa pagpili ng mga mamumuno sa gobyerno nito, aniya hindi matatalino kundi mga tapat na lider ang pinili ni Lee na maging bahagi ng kaniyang pamahalaan.

“Kaya si Lee Kuan Yew, I admire him when he was building Singapore—ginather niya ‘yung mga taong super honest—only the super honest will stay with me,” dagdag ng butihing Pastor.

Matatandaan na hanggang ngayon ay hindi pa rin tinutugon ang panawagan ni dating Pangulong Duterte na buksan ang accounts ng Kamara at isapubliko ito. Sa halip ay naglabas ito ng resolusyon na nananawagan ng pagkakaisa sa mga miyembro nito na labanan ang mga nagnanais na sirain ang institusyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter