LUMAGDA na ng isang kasunduan ang Commission on Elections (COMELEC), National Printing Office (NPO) at Miru Systems Co. Ltd para sa 73 million ballots na gagamitin para sa 2025 midterm elections.
Batay sa agreement, gagamitin ng NPO ang bagong machines mula sa Miru para sa printing.
Magsisimula naman sa second week ng December ang printing ng 73 million ballots.
Nasa P1.6-B naman ang inilaan para dito.