Prisoner swap sa pagitan ng Venezuela iminungkahi ng El Salvador

Prisoner swap sa pagitan ng Venezuela iminungkahi ng El Salvador

IMINUNGKAHI ni El Salvadoran President Nayib Bukele ang pagkakaroon ng pagpapalitan ng mga bilanggo sa pagitan ng kaniyang bansa at Venezuela.

Aniya, handa siyang ipagpalit ang mga Venezuelan na napa-deport mula sa Estados Unidos at kasalukuyang ikinulong ng kaniyang gobyerno kapalit ng tinawag niyang “political prisoners” na El Salvadorans sa Venezuela.

Sa isang post, sinabi ni Bukele na tanging dahilan ng pagkakakulong ng El Salvadorans doon ay ang pagtutol nila sa pamamahala ni Venezuelan President Nicolas Maduro maging ang nangyaring pandaraya sa halalan.

Tinatayang nasa 252 Venezuelans ang nasa El Salvador ngayon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble