MAS kapaki-pakinabang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na isailalim sa privatization.
Ayon ito kay Go Negosyo Founder at dating Presidential Economic Adviser Joey Concepcion.
Kasunod ito sa nangyaring aberya ng NAIA nitong January 1, 2023 kung saan mahigit kumulang 56-k na mga pasahero ang apektado.
Sa panayam ng SMNI News, iniisa-isa ni Concepcion ang ilang mga aspeto kung bakit maraming benepisyo ang nakukuha sa pagsasapribado nito.
Isa sa nabanggit ni Concepcion ay ang kalayaan ng private sector na magpalabas ng pondo para sa pagpapa-upgrade ng NAIA.
Sinabi ni Concepcion na marami-rami na rin sa utilities ang isinailalim sa privatization gaya ng kuryente at tubig at maging ang ports at ibang airports ng bansa.