NAKATANGGAP na Gold Eagle Award ang Police Regional Office (PRO-13) dahil sa exemplary accomplishment nito.
Ngayong taong, tanging ang PRO-13 ang nakatanggap ng parangal na Gold Eagle Award.
Ang Gold Eagle Award ay isang prestihisyosong parangal para sa isang police office na mayroong exemplary accomplishment.
Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay PBGen. Pablo G. Labra II Regional Director ng Police Regional Office-13, sinabi nito na hindi niya inaasahang umabot sa Gold Eagle Award ang kanilang natanggap na parangal mula sa Kampo Krame.
Paliwanag pa nito, bago pa nila natanggap ang nasabing parangal, mayroong mga personahe mula Kampo Krame ang nagsagawa ng masusing proseso simula buwan ng Pebrero hanggang Hunyo.
Kabilang dito ang pagtatanong sa bawat mga residente kung ano ang ginagawa ng PRO-13 upang mabigyan ng maayos na peace and order ang rehiyon.
Sa ginawang validation, ang PRO-13 naman ay nakatanggap ng 97.16%, ito’y dahil sa dedikasyon at sinserong pagtratrabaho ng mga panauhin ng PRO-13.
“That means lahat ng mga pinatupad na mga principle of a management, pinatupad mga objectives, pinapatupad na mga plano ay nagawa na ng ating mga opisina at pinatuloy hanggang sa next doon sa lower unit and I think two weeks ago ang aming CPRC unit doon sa Krame this is, parang management office doon sa Camp Crame ay pumunta dito para mag-validate sa amin para sa binigay sa kanila na report nag-audit sila sa mga mga accomplishment natin at tiningnan kung tayo ba ay very consistent sa aming pinapatupad related to performances system,” pahayag ni PBGen. Pablo G. Labra II Regional Director, Police Regional Office-13.
Gayunpaman, hindi rin nakalimutan na pasalamatan ni Labra ang mga una nang mga naging regional director ng Police Regional Office-13 na nagbuwis ng buhay at sinserong dedikasyon upang makamit ang nasabing parangal.
Bunsod nito, pinasalamatan din ni Labra ang mga kasamahan nito dahil sa patuloy na pagkakaisa ng kanilang hanay upang mapanatili ang peace and order sa rehiyon gayundin ang mga mamamayan ng CARAGA sa pagbibigay ng tiwala sa kakayahan ng bawat personahe ng PRO-13.
“I should recognize the effort sa lahat ng kasama natin dito in PRO-13 lalong-lalo na ’yung mga tao natin sa baba. Because sila talaga yung gumawa kung ano ‘yung mga pinapatupad natin sa kanila which resulted to having a good output sa kanilang mga trabaho. Ito ‘yung binigay ng mga taga Crame when they came here and this output the services that we give to the people our mission is to protect and serve the people,” dagdag ni Labra.