PRO 3 sa mga bibisita sa sementeryo, sumunod sa mga alintuntunin sa panahon ng Undas

PRO 3 sa mga bibisita sa sementeryo, sumunod sa mga alintuntunin sa panahon ng Undas

Muling pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko partikular na sa Region 3 na sumunod sa mga alituntunin ng sementeryo ngayong simula na ng Undas 2024.

Ito ay upang matiyak na walang magiging gulo o hindi maayos na paggunita ng Undas kung mayroong iilan na hindi tatalima sa ipinatutupad ng mga LGU at Pulisya.

Ilan sa mga ipinapakiusap rito ang huwag magdadala ng mga ipinagbabawal na mga kagamitan gaya ng matutulis na bagay, inumin, malalakas na musika, alak at flammable items.

“Mahigpit ang bilin ko sa ating mga pulis na panatilihin ang kaayusan at seguridad ngayong Undas. Gayundin naman po, tayo ay muling nagpapaalala sa mga dadalaw sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay na sumunod sa alituntin ng sementeryo at huwag magdala ng ipinagbabawal na kagamitan,” ani PBGen. Maranan.

Nauna nang ipinag-utos ni PBGen. Maranan ang paglalagay ng mga police assistance desks sa mga pampublikong sementeryo at memorial parks sa tulong na rin ng Local Government Units (LGU), civilian volunteer organizations at civic clubs.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter