WAGI ang Police Regional Office (PRO) 3 sa dalawang pangunahing kategorya sa nakaraang 70IB Commander’s Cup na ginanap sa Brgy. San Juan Baño, Arayat, Pampanga nitong nakaraang linggo.
Pinangunahan ni PCol. Enrico E. Figueroa, acting force commander ng Regional Mobile Force Battalion kasama ng lima pang personnel ng RMFB3 ang kampeonato sa Classic Lawman at Team Category.
Ang aktibidad ay nilahukan din ng iba pang mga tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Kinilala naman ang dedikasyon ng mga pulis sa rehiyon sa pagganap ng kanilang tungkulin hindi lang sa mga operasyon kundi pati na rin sa mga ganitong uri ng paligsahan.