Probable tax violations ng ABS- CBN, inungkat sa Kamara

Probable tax violations ng ABS- CBN, inungkat sa Kamara

SA ika-sampung ABS- CBN Franchise hearing sa Kamara, sumentro ang pagtalakay sa mga probable tax violations ng kompanya.

 

Layon ng pagdinig ngayong araw na malaman kung pag-iwas o hindi tamang pagbabayad ng buwis ang ABS- CBN sa ilalim ng dati nilang franchise.

 

Inusisa ni Cavite Representative at CPA Lawyer Pidi Barzaga kung nagbabayad ba ng tamang buwis ang ABS- Holdings na siyang may hawak sa pagbebenta ng PDRs o shares of stock ng kompanya.

 

Pero sa hearing napag- alaman na hindi nagbabayad ng buwis dahil walang cash income ang ABS- CBN holdings.

 

Ito ay sa kabila na bilyon-bilyong piso ang halaga ng mga shares of stock na ibinebenta ng kompanya.

 

Ayon kay Barzaga, mahigit sa 298 million ang na isyung PDRs ng kompanya.

 

Nasa P46 kada isa ang halaga ng bawat PDR kaya nasa P13 bilyon ang halaga ng mga share of stocks ng ABS- CBN.

 

Naungkat rin ang isyu ng tax avoidance ng ABS- CBN sa ilalim ng Big Dipper Digital Content and Design Inc. na isang subsidiary ng kompanya.

 

Ang Big Dipper ay Tax and Duty Free sa pag- iimport ng mga digitization equipment dahil accredited ito ng Philippine Economic Zone Authority o PEZA.

 

Paliwanag ng ABS- CBN, ginagamit nila ang mga hardware equipment ng Big Dipper subalit hindi nila pagmamay-ari ang kompanya kungsaan ay kostumer lamang sila ng Big Dipper.

 

Subalit duda ng mga mambabatas, ginagamit na tax shield ng ABS- CBN ang Big Dipper para tax free na ang mga kagamitan na gagamitin ng kompanya.

 

Kagabi, inusisa rin ang isyu na Tax Shield din ng kompanya ang ABS-CBN’s Lingkod Kapamilya Foundation bagay na itinanggi ng kompanya.

 

Nanindigan din ang kompanya na tama ang binayaran nilang buwis at wala itong record sa BIR.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.