Probinsya ng Bulacan, isinailalim na sa total lockdown

ISINAILALIM sa total lockdown ang buong probinsya ng Bulacan matapos maiulat ang anim na panibagong kaso ng COVID-19 sa nasabing probinsya.

Ayon kay Bulacan Provincial Health Officer Patricia Alvaro, ang dalawa sa mga nagpositibo sa COVID-19 ay taga San Jose del Monte, habang tag-iisang kaso naman ang naitala sa Malolos, San Ildefonso, Guiguinto at Baliwag.

Dagdag pa ni Alvaro, ang pasyente ng COVID-19 sa San Ildefonso ay namatay na sa ospital at ang limang iba pa ay patuloy pang ginagamot.

Ang probinsya ng Bulacan Province ay nagsisilbing entry at border point papasok at palabas ng Metro Manila.

Samantala, nakapagtala na unang kaso sa coronavirus disease (COVID-19) ang lalawigan ng Cebu.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) Central Visayas kahapon, kung saan kasalukuyang  naka-confine ang pasyente sa Mandaue City hospital, ngunit base sa pinakabagong medical bulletin ng pasyente ay gumaling na at malapit itong ilabas sa hospital.

Ayon kay Dr. Jaime Bernadas, Regional Director ng (DOH) 7 na ang nagpositibo sa COVID-19 ay isang 65 years old na lalaki, Filipino at professional.

Napag-alaman di na walang travel history sa labas ng bansa ang nagpositibo subalit may travel history sa ilang bahagi ng Mindanao at Manila.

Dagdag pa ni Bernadas, na agad nilang ikinonsidara na person under investigation (PUI) ang pasyente noong na-admit ito Marso 6 at kinuhaan ng swab test noong Marso 11 at nakuha ang resulta kung saan nagpositibo ito sa COVID-19.

Kukuha pa ng ibang swab samples ang DOH sa pasyente upang masiguro na negatibo na at ligtas na ito sa nasabing sakit.

Kaugnay nito, ipanag-utos na Cebu Governor Gwen Garcia ang agrisibong contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng pasyente upang mabigyan ng kaalaman at agad na isasailalim sa self-quarantine.

Striktong ipapatupad narin ng gobernador ang one-meter social distancing policy sa lahat ng mga pampublikong saksayan sa buong probinsya.

Maaring lang ding magsakay ng isang pasahero ang bawat tricycle, ipinagbawal din muna ng gobernador ang back ride sa lahat ng mga motor.

Ang nasabing hakbang ng gobernador ay para na rin sa kaligtasan ng mga Sugbuanon at maiwasan ang paglaganap pa ng nasabing sakit sa probinsya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.