Problema ng mga malalaking trak sa San Ildefonso, Bulacan, binigyang solusyon ng Cleanfuel

Problema ng mga malalaking trak sa San Ildefonso, Bulacan, binigyang solusyon ng Cleanfuel

MAY bagong bukas na Cleanfuel Station sa Bulacan.

“Were very happy to be back here in San Ildefonso, Bulacan,” ayon kay Atty. Jesus ‘Bong’ Suntay, Cleanfuel President and CEO.

“Para sa amin, it’s just timely na andito tayo ngayon,” aniya.

Mga naglalakihang trak agad ang mga nagpa-gas sa pinakabagong Cleanfuel station sa Bulacan.

Ito na ang ikalawang istasyon ng Cleanfuel sa bayan ng San Ildefonso sa norteng bahagi ng probinsiya.

Ayon sa mga drayber na aming nakausap, malaking pahirap sa malalaking construction vehicles ang kakulangan ng malawak na gasolinahan sa kahabaan ng bypass road.

Pero solb na ang problema dahil sa bagong bukas na Cleanfuel station na akmang-akma sa mga malalaking trak.

“Itong istasyon natin to and other Cleanfuel stations ay talagang… we design and build the station to accommodate big not only big trucks but ‘yung mga matataas na mga trak,” aniya pa.

Dala rin ng kompanya ang quality fuel for less na serbisyo sa mga taga-San Ildefonso.

Company owned lahat ng istasyon ng Cleanfuel kaya mas kaya nilang babaan ang presyo ng fuel products kumpara sa ibang kompanya ng langis.

“At kagaya ng mga binubuksan nating Cleanfuel stations ngayon, Cleanfuel San Ildefonso is once again powered by the Sun,” dagdag ni Suntay.

Pati na ang malinis at airconditioned na mga palikuran para sa mga suki nito.

Cleanfuel, nilinaw na walang gasolinahan ang brand ambassador na si Dominic Roque

Samantala, may inilunsad kamakailan ang Cleanfuel, ang kanilang Akin ‘to campaign.

Ito’y para bigyang linaw ang mga chismis na may nagbigay umano ng gasolinahan sa brand ambassador nila—ang aktor na si Dominic Roque.

“Dominic is a long-time brand ambassador of Cleanfuel at ‘yung sinasabi nilang meron daw gasolinahan si Dominic na binigay ko raw ay wala namang katotohanan. Dominic is not only a brand ambassador, he’s a good and close friend of myself. And na-device natin, total andiyan man ‘yung mga chismoso—mas maganda pa lantaran nating ipaliwanag natin sa kanila’t makita hindi talaga kay Dominic Roque ‘to,” diin pa ni Suntay.

“Hindi akin to, it’s all company-owned fuel stations,” wika ni Dominic Roque, Brand Ambassador, Cleanfuel.

Malinaw naman na nakasulat sa Akin ‘to campaign ng Cleanfuel na hindi kay Dom ang mga gasolinahan.

“Hi everyone, I’m inviting you to gas up here sa San Ildefonso Bulacan… and we have quality fuel for less,” ani Roque.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble