IPINANAWAGAN muli ng Kamara sa Department of Transportation (DOTr) na isuspinde na muna ang implementasyon ng full cashless toll collections.
Ito’y hanggang lahat ng problema sa electronic toll collection ay maisaayos.
Matatandaan na imbis noong Agosto 31 ipatupad ang full cashless toll collections ay inilipat ito sa Oktubre 1 dahil na rin sa suhestiyon ng Kamara.
Kung maipatupad, sa bagong guidelines, aabot ng hanggang P5K ang multa batay sa nilagdaang Joint Memorandum Circular ng Toll Regulatory Board, Land Transportation Office at DOTr.
Ang first offense ay katumbas ng P1K multa; P2K ang second offense; at P5K na ang susunod pang mga offense.
Ang mga papasok din sa expressways na hindi sapat ang load balance para ibayad sa toll fee ay pagmumultahin ng P500 sa first offense; P1K sa second offense; at P2.5K para sa susunod pang mga offense.