NAGKULAY violet ang Ynares Sports Center sa Pasig City, ang pangunahing venue ng proclamation rally ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement.
Ito ay matatag na simbolo ng pagkakaisa at suporta ng libu-libong taga-suporta kay Pastor Apollo.
Kasabay nitong isinagawa ang proclamation rally sa iba’t ibang lugar tulad ng San Fernando, Pampanga; Casiguran, Sorsogon; Liloan, Cebu; Ormoc City; Bacolod City; Iloilo City; Dipolog City; Koronadal City; Cagayan de Oro City; Butuan City; Digos City; at Tagum City.
Ang pagtitipon—dinaluhan ng iba pang PDP-Laban senatorial candidates na sina Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Raul Lambino, at Atty. Jayvee Hinlo, na kapwa nagpahayag ng kanilang tiwala kay Pastor Apollo sa kaniyang adhikain para sa bansa.
Bukod rito, nagpahayag din ng suporta kay Pastor Apollo ang ilang party-list groups, kabilang ang EPANAW Sambayanan, Pwersa ng Pilipinong Pandagat, Duterte Youth, Ang Bumbero ng Pilipinas, Gabay, at Bisaya Gyud.
Bilang isang senador, iginiit ni Pastor Apollo ang ang kaniyang pangako sa isang malinis at tapat na pamamahala na nakasentro sa zero corruption, zero waste, at full transparency sa lahat ng aspeto ng paglilingkod sa bayan.
Binigyang-diin din ni Pastor Apollo ang kaniyang hangaring gawing First World Country ang Pilipinas sa pamamagitan ng malinis na pamamahala, maayos na kapaligiran, at masiglang ekonomiya.
Patuloy na umiigting ang kampanya ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa buong bansa, kasabay ng pangakong magiging instrumento siya ng pagbabago sa gobyerno kung maluluklok bilang senador.
Bukod sa Pilipinas, isinagawa rin ang Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement sa iba’t ibang bansa tulad ng Spain, America, Hong Kong, Italy, at iba pang bahagi ng mundo.
Maraming Filipino communities sa iba’t ibang panig ng mundo ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa kandidatura ni Pastor Apollo, at ilan pa sa kanila ang nagsabing nais nilang pangunahan ang kampanya upang matiyak ang kanyang panalo sa darating na eleksiyon.
Follow SMNI News on Rumble