PINUNA ng isang political analyst ang tila pagbabago sa estratehiya ng administrasyong Marcos Jr. sa pag-endorso ng mga kakandidato ngayong 2025 midterm elections.
“Well I think yesterday yung vibe doon sa Club Filipino was more i think more on light specially with FPRRD around he always gives us very light hearted and heart warming mechanic note and jokes and hearing and listening to him is always been that,” ayon kay Prof. Froilan Calilung.
Ito ang naging komento ni Prof. Froilan Calilung, isang political analyst kaugnay sa nangyaring proclamation rally ng PDP senatorial candidates na ginanap nitong Huwebes sa Club Filipino, San Juan City.
Ani Calilung, malaki raw ang pagkakaiba nito sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginanap na rally ng Alyansa ng Bagong Pilipinas.
“Medyo taliwas ito at medyo hard stance ng alyansa ng bagong Pilipinas na nakita natin the other day sa Laoag wherein parang nagkaroon ng shift, kapuna-puna ang pagkakaroon ng pagbabago sa demeanor ng ating pangulong Marcos Jr. Which is different from his stance noong 2022 campaign,” saad ni Prof. Froilan Calilung.
Sa talumpati ni Marcos Jr., narinig ang ilang matatalas na pahayag na tila hindi akma sa kasalukuyang sitwasyon ng pulitika sa bansa, na ayon kay Calilung, ay sobrang polarized at divided.
Dagdag pa niya, hindi na dapat marinig mula sa pangulo ang mga personal na patama sa kaniyang mga kalaban at dapat nakatuon na ito sa mahahalagang isyu ng lipunan.
Kung pagbabatayan din daw ang kasaysayan, maaaring bumalik ang senaryo noong 2019 kung saan namayagpag ang mga kandidato ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Bukod dito, lumitaw rin ang isyu ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na para kay Calilung ay posibleng may kaugnayan sa estratehiya ng administrasyong Marcos Jr. para makuha ang suporta ng Senado at maisulong ang kanilang legislative agenda.
“Technically speaking who knows baka nga ang mangyari nito instead na yung inaasahan nilang 12-0 baka ang mangyari dito e repeat ng 2019 na kung saan talagang pambato ng Pangulong Duterte ang namayagpag sa halalan,” ani Calilung.
Binigyang-diin rin ni Calilung na ang midterm elections ang magsisilbing referendum sa kasalukuyang administrasyon.
“But then again if makikita natin din na hindi maganda o may mga negatibong apprehension ng ating makababayan, masasabi ko parang kiss of death pa nga ang mayayari itong kanyang pag endorse sa mga kandidato na to. Remember Hindi ito galing sa isang partido. This is a coalition,” wika nito.
Sa huli, naniniwala ang propesor na maaaring walang matibay na katapatan ang mga kandidato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas kay Marcos Jr. kung kaya’t nananatiling malaking palaisipan kung paano ito makakaapekto sa resulta ng darating na 2025 Midterm Elections.
Follow SMNI News on Rumble