Proclamation rally para kay senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy, aarangkada sa Bicol Region

Proclamation rally para kay senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy, aarangkada sa Bicol Region

SA kabila ng makulimlim na panahon, walang makapipigil sa init at lumalagablab na paghahanda para sa Nationwide Proclamation Rally para sa senatorial bid ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Pastor Apollo C. Quiboloy.

At sa Bicol Region, umaalab din ang suporta ng Butihing Pastor mula sa mga miyembro nito hanggang sa mga pribadong sektor, at indibidwal na naniniwala sa magagawa ni Pastor Apollo para sa bansa.

Isang motorcade ang nakatakdang gawin ng mga supporter ng ‘Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement’ Bicol Region sa Sorsogon City ala una ng hapon.

Iikot ang motorcade convoy sa bayan ng Casiguran, Juban, Irosin at babalik ng Casiguran para isagawa ang programa.

Kabilang naman sa support groups nito ang Albay Chapter at Cam Norte, CamSur Chapters, at Masbate Chapter.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter