Proclamation rally para sa kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagka-senador umarangkada sa Tagum City

Proclamation rally para sa kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagka-senador umarangkada sa Tagum City

KASABAY ng opisyal na pagsisimula ng kampanya ng mga kandidato para sa nalalapit na midterm elections ngayong 2025, nagsagawa ng isang motorcade sa Tagum City ang mga taga-suporta ni KOJC Founder at senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.

Dagsa ang mga supporter, pribadong indibidwal, at grupo na nakiisa sa naturang aktibidad upang ipakita ang kanilang suporta sa Butihing Pastor.

Ang nasabing mga taga-suporta ay nagmula pa sa iba’t ibang lugar ng Davao del Norte, Davao de Oro, at Davao Oriental.

Umikot ang convoy sa mga pangunahing lansangan ng lungsod upang ipabatid sa publiko sa pamamagitan ng campaign jingle, poster, at banner ni Pastor Apollo ang mga nais isulong na pagbabago at mga programa na makakatulong sa paglago ng ating bansa.

Nabatid na ilan sa mga nais na isulong ng Butihing Pastor kung papalaring maluklok bilang senador sa darating na halalan ay ang zero corruption dahil naniniwala ito na ang korapsiyon ay hadlang para sa paglago ng bansa.

Inaasahan din ang patuloy na pagdagsa ng mga taga-suporta ni Pastor Apollo sa proclamation rally na dadaluhan din ng mga kandidato sa lokal na posisyon bilang suporta sa Butihing Pastor.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble